- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Legacy ni dating Mayor Eduardo Dimacuha, kinilala
- Details
- Wednesday, 07 April 2021 - 1:52:06 PM
Kinilala ng Sangguniang Panglungsod ang mga nagawa ni dating punong lungsod Eduardo B. Dimacuha sa panahon ng kanyang panunungkulan at ang pagiging mahusay na lider nito sa isinagawang virtual session ng konseho noong April 6. Ang Resolution No. 91 S. 2021 na may pamagat na “Mourning the Loss of a Great Leader” ay iniakda ng lahat ng konsehal.
Nakasaad dito ang mga programang ipinatupad ni Dimacuha noong kanyang termino. Ilan dito ang mga programang naging ‘blue print’ upang tularan ng ibang mga lungsod at munisipyo gaya ng Barangay Action Outreach Program, EBD health card, scholarship program for the youth, TESDA apprenticeship program, welfare programs for the senior citizens, solo parents, and street children, protection and conservation of the environment, yellow corn propagation, livestock dispersal program, cooperative development in the rural barangays, availment of foreign grants and establishment of sisterhood programs, at marami pang developmental programs para sa lungsod. Ayon pa sa resolusyon, sa panahon din ni Dimacuha naging malapit ang mga karaniwang tao sa gobyerno.
Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod at tumaas ang pagtingin sa mga ito at sa mga barangay officials dahil sa ipinakitang pagpapahalaga sa kanila ni Dimacuha. Ipinakilala din si Dimacuha bilang tagapagtanggol ng kalikasan.
Ayon sa isang whereas ng resolusyon, “A staunch defender of the environment, Mayor Eddie ensured to strike a balance between industrialization and preservation of the City’s natural beauty and resources, that no material progress is more important than the healthy and safe habitat for the Batangueno.” “There will never be enough words to describe the goodness of this man who have selflessly served and loved Batangas City; in his passing, the Batanguenos lost a strong pillar on whom the City in is very essence lay,” ayon pa sa resolusyon.
Magugunita na si Dimacuha ang pinakamatagal na naging mayor sa lungsod ng Batangas. Sa kaniyang halos 22 taong panunungkulan, maraming awards at pagkilala ang natanggap ng lungsod at kinilala bilang Most Powerful City dahilan sa mga industriyang nakatayo rito. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.