- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
500 indibidwal nakinabang sa programang TUPAD ng DOLE
- Details
- Thursday, 03 June 2021 - 4:34:16 PM
May 500 beneficiaries ang tumanggap ng P 4,000 na pay-out sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan para sa mga Disadvantaged/ Displaced workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Batangas City, June 3.
Ito ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Congressman Marvey Marino sa nasabing kagawaran. Ayon sa tala ng DOLE Region IV-A , ito ang ikalawang may pinakamalaking alokasyon ng budget sa lalawigan.
Hindi lahat ng distrito ay nagpapatupad nito kung kayat lubos ang pasasalamat ng mga beneficiaries sa inisyatibo ni Cong Marvey na makapagbigay ng emergency employment assistance lalot higit ngayong panahon ng pandemya. Isa ang gwardyang si Freddie Plata ng barangay Bucal sa mga lubhang naapektuhan ng nararanasang krisis sa kasalukuyan. “Maraming salamat Congressman, malaking tulong ito sa tulad kong nawalan ng trabaho at may anim na anak na itinataguyod”’ sabi ni Plata.
Ang mga beneficiaries ay binigyan ng TUPAD ID, shirts at sombrero gayundin ng face mask at face shield. Makukuha nila ang nasabing halaga sa sangay ng Palawan Pawnshop sa barangay Pallocan. Hangad ni Congressman Marino na makapag-abot ng tulong sa lahat ng Batanguenong nangangailangan kung kayat bukod sa TUPAD, maaari ding makahingi ng burial, medical at financial assistance.
Hindi kailangang may MAM card upang makapag-avail ng mga ito, kailangan lamang magtext sa kanilang hotline sa 0927-5975478 at 0961-0585050 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ang pay-out ay isinasagawa dalawang beses kada linggo sa cinema ng SM City Batangas. Nagpaabot ng pasasalamat ang tanggapan ni Congressman Marino sa assistance na ipinagkakaloob ng naturang mall.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.