- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Blended learning system, matagumpay na naipatupad sa Batangas City
- Details
- Monday, 21 June 2021 - 4:04:48 PM
Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga magulang sa matagumpay na implementasyon ng blended learning system ng Department of Education (Dep Ed) sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa lungsod. Ito ang binigyang diin ni Schools Division Superintendent Dr. Zaldy Bolaños sa kanyang panayam sa programang PIO ang Lingkod N’yo sa Radyo Totoo, June 21.
Inamin ni Dr. Bolaños na noong una ay nahirapang mag adjust ang mga guro, estudyante at kanilang mga magulang sa nabanggit na sistema sa pagpapatupad nito sa pagbubukas ng klase noong 2020 dahil sa kinakaharap na pandemya ng bansa. Dahil aniya sa kooperasyon at pagtutulungan ng mga ito, naging maayos ang school year 2020-2021 na magtatapos sa July 10-15.
Idinagdag pa niya na malaking tulong ang pakikiisa ng mga magulang sa online meetings at trainings ng schools division office (SDO) hinggil sa tamang paggabay sa mga online classes sa mga learners.
“Kahit mga working parents ay naglaan ng panahon para makadalo sa virtual meeting at huntahan”, sabi ni Dr. Bolaños. Malaki rin aniya ang naging responsibilidad at sakripisyo ng mga guro mula sa paghahanda ng modules at iba pang materials, muling pagkuha, patse-tsek hanggang sa evaluation at assessment ng mga ito.
Tuloy-tuloy din sila sa pagdalo sa mga pagsasanay sa online teaching. May pagkakataon rin aniyang personal na pinupuntahan ng mga ito ang kanilang mga estudyante sa kani-kanilang tahanan kung ang mga ito ay hindi makadalo sa klase dahil sa problema sa internet connection.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng SDO Batangas City kina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa suportang ipinagkaloob ng mga ito partikular ang pagpapagawa ng mga school buildings at pagkakaloob ng mga laptop para sa mga guro at tablets naman para sa mga junior at senior high school students.
Nagbigay din ang mga ito ng school supplies para sa mag-aaral sa elementarya. May proposal ang SDO na magkaloob din ng tablets para sa elementary students para magamit nila sa online classes.
Pinag-aaralan na sa ngayon ng DepEd Batangas City ang mungkahing limited face-to-face classes sa susunod na school year, 2021-2022 na nakatakdang magbukas sa Agosto o Setyembre. Kung papayagan, titiyakin dito ang istriktong pagpapatupad ng health and safety protocols. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.