- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Problema sa suplay ng tubig sa Dumantay, matutugunan na
- Details
- Tuesday, 22 June 2021 - 4:16:29 PM
Lumagda sa isang kasunduan ang pamahalaang lungsod ng Batangas, Batangas City Water District (BCWD)/Prime Water Infrastructure Corporation, Sangguniang Barangay ng Paharang Kanluran at Paharang Kanluran Rural Waterworks and Sanitation Association (RWSA) upang matugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig sa mga konsumidores ng barangay Dumantay, June 22.
Ang Memorandum of Agreement (MOA) ay nilagdaan nina Mayor Beverley Dimacuha, Prime Water Branch Manager Engr. Chelton Arias, Pangulong Nenelita Zaraspe ng barangay Paharang at ang Pangulo ng Paharang Kanluran RWSA na si Lorete Eje. Ang nasabing hakbang ay tugon sa utos ni Mayor Dimacuha na agarang masolusyunan ang problemang nabanggit.
Ayon kay Engr Arias, magsasagawa ng tatlong araw na joint pump testing sa huling linggo ng Hunyo ang Prime Water upang buhayin ang deep well sa barangay Paharang Kanluran na maaaring pagkunan ng water supply. Positibo aniya siya na ang pagtatayo ng Paharang West pumping station #2 ang magiging permanenteng solusyon upang magkaroon ng sapat na daloy ng tubig sa dalawang barangay.
Humigit kumulang sa 1000 households ang makikinabang sa itatayong proyekto. Siniguro din niya na ititigil nila ang pagsasagawa ng pumping activities sa station #2 sa simula o sa panahon ng regular na operasyon ng nabanggit na station kapag napatunayan na ito ang dahilan ng paghina o pagkawala ng daloy ng tubig ng waterworks system ng Paharang Kanluran RWSA.
Ang Paharang Kanluran ay may Level III waterworks system na pinamamahalaan ng RWSA at may 173 bilang ng kaanib na gumagamit nito. Lubos ang pasasalamat ng Prime Water sa pamahalaang lungsod sa suportang ipinagkaloob nito upang maisakatuparan ang naturang proyekto. Ito ang pangunahing nagbibigay ng serbisyo ng supply ng tubig sa 54% na sambahayan sa Batangas City.
Idinagdag pa ni Arias na marami silang on-going projects ngayong taon sa ibat-ibang barangay sa lungsod na naglalayong ma-improve ang kanilang serbisyo at mabawasan ang mga water interruptions. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.