- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Traffic dulot ng rehabilitasyon ng kalsada sa barangay Balagtas, tinalakay ng SP
- Details
- Friday, 02 July 2021 - 4:30:35 PM
Inimbitahan ng Committee on Transportation ng Sangguniang Panlungsod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) District 2 at Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) sa sesyon nito na isinagawa via zoom ngayong araw.
Ito ay dahil sa hinaing ng mga motorista sa sobrang traffic na dulot ng rehabilitasyon ng Manila to Batangas Road sa barangay Balagtas.
Ayon kay Coun. Nestor Boy Dimacuha, chairman ng nabanggit na komite, binuksan ang nasabing isyu ni Kagawad Gerry Dela Roca noong nakaraang sesyon dahil sa dami ng reklamong natatanggap nito.
“Layunin ng committee hearing na ito na makabuo ng strategies para amibsan ang trapiko at makaisip ng pamamaraan upang mapabilis na matapos ang proyektong ito,” sabi ni Dimacuha.
Ayon kay Engr. Ronald Frago, representative ng DPWH 2nd District, nagsimula ang konstruksyon noong June 21 at inaasahang matatapos pagkatapos ng 274 days. Ang mga barangay na sakop nito ay Balagtas, Alangilan, at Kumintang Ilaya.
“Bago naming sinimulan ang proyekto, nagkaroon kami ng public consultation sa Barangay Hall ng Balagtas na dinaluhan ng aming mga project engineers, mga pangulo ng barangay at ng TDRO. Isinumite din naming sa contractor at sa TDRO ang Traffic Management Plan para sa proyekto ,” ayon kay Frago.
Sinangayunan naman ito ng Hepe ng TDRO na si Engr. Francis Beredo. “Mayroong request ang DPWH na magkaroon ng total truck ban para hindi ma-delay ang project . Kalalip nito ang proposed alternate route sa Rosario-Taysan para sa mga truck na hindi makakadaan. Subalit napag-alaman namin na hindi din madadaanan yung alternate route dahil ginagawa din ang karsada doon,” sabi niya.
Agad na ikinunsulta ni Beredo ang problema kay Mayor Beverley Rose Dimacuha at napagkasunduan na magkaroon na lamang ng daytime truck ban. Pinayagang makadaan ang mga truck mula 8:30 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.
Ang mga delivery trucks na may kargang essential goods ay pinapayagang pumasok sa loob ng lungsod kahit na anong oras batay na din sa IATF guidelines. Nagbigay naman ng ilang rekomendasyon ang mga miyembro ng sanggunian sa DPWH upang maibsan ng bahagya ang trapiko at mabilis na matapos ang proyekto.
Ilan dito ay ang paggamit ng early strength concrete na ginagamit na anila sa Maynila. Isa din sa suhestyon ay ang paglalagay ng traffic marshalls na makakatulong ng TDRO sa traffic management, paglalagay ng karagdagang barricade tapes para sa safety ng mga motorista, at updating ng kanilang website at Facebook page para magsilbing guide ng mga pumapasok sa lungsod.
Binigyan ng 72 hours ni Dimacuha ang DPWH upang pag-aralan at sagutin ang mga rekomendasyong ito. Humingi ng pang-unawa si Dimacuha sa mga mamamayan na nakakaranas ng mahabang trapiko.
“Sana ay maunawaan ninyo na ang mga ganitong proyekto ay ginagawa para na din sa kabutihan ng mas nkararami,” binigyang diin ni Dimacuha.
(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.