- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Barangay Balete, wagi bilang outstanding BNC
- Details
- Friday, 30 July 2021 - 4:48:51 PM
Tinanghal na 2019 Outstanding Barangay Nutrition Committee (BNC) ang barangay Balete at outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) naman ang BNS nito na si Noriemi Macatangay.
Sila ay tumanggap ng plake at cash prize mula sa Nutrition Division ng City Health Office (CHO). Ang awarding ay isinagawa sa virtual celebration ng 47th Nutrition Month ngayong araw, July 30 na may temang “Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 1,000 Days Tutukan".
Napili ang BNC ng Balete dahil sa mahusay na implementasyon nito ng mga programa ng Nutrition Division partikular ang kampanya para labanan ang malnutrisyon. Naging finalists sa outstanding BNC ang barangay Soro-soro Ibaba, Tulo at Banaba South. Ginawaran ng pagkilala ang pitong BNS na may pinaka mahabang taon ng paglilingkod at ginawaran ng Certificate of Appreciation ang BNS-retiree na si Violeta Asilo.
Sa okasyon ding ito inawardan ang mga nanalo sa poster-making contest gamit ang nabanggit na tema kung saan nagwagi si Christian Dave Maullion, grade 6 student ng Talumpok Silangan Elementary School. Nakakuha ng ikalawang pwesto si Lizette Hernandez ng Banaba East Elementary School at 3rd place winner si Paul Bryan Abalayan.
Naging resource speaker naman si Nutrition Officer, Daisy Buenafe. Pinasalamatan ni Nutrition Officer Eva Mercado ang lahat ng naging bahagi ng selebrasyon.
Nagbigay rin ng mensahe sina City Health Officer Dra. Rosanna Barrion at Mayor Beverley Dimacuha na kapwa nagpaabot ng pasasalamat sa mga BNS sa pagsisikap ng mga itong maihatid ang mga programang pangkalusugan sa mga barangay. Binigyang diin ni Mayor Dimacuha ang pagkakaroon ng healthy diet sa simula pa lamang ng pagbubuntis ng isang ina.
“Mahalaga ang wastong nutrisyon para sa good brain and physical development ng bata. Equally important din ang emotional at mental health, dapat ay madevelop sa bata ang kumpyensa sa sarili’, sabi ni Mayor Dimacuha. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.