- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Rehabilitasyon ng Manila to Batangas Road sa barangay Balagtas, muling tinalakay sa SP
- Details
- Tuesday, 10 August 2021 - 4:23:45 PM
Muling inimbitahan ng Sangguniang Panlungsod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) District II at Jasmig Construction Corporation sa committee hearing upang humingi ng update hinggil sa ginagawang rehabilitasyon ng Manila to Batangas Road sa Barangay Balagtas, August 10, Isa sa tinalakay sa nasabing hearing ay ang posibleng pagpapaikli ng completion date ng proyekto. Magugunita na sinabi ni Engr. Ronald Frago ng DPWH noong nakaraang committee hearing na aabutin ang proyekto ng 274 days o humigit kumulang sa 9 na buwan.
Ayon kay Coun. Gerry Dela Roca, chairman ng Committee on Engineering, masyadong matagal ito kung kayat maraming stakeholders ng lungsod ang dumadaing dahil sa nade-delay ang deliveries ng kanilang mga produkto. “Ilan sa mga myembro ng konseho ay may kaalaman sa construction project kaya naman sa tingin namin e makakaya itong tapusin sa loob ng 4 na buwan,” sabi ni Dela Roca.
Ipinaliwanag naman ni Engr. Frago na ang malimit na pag-ulan noong nakaraang linggo ay isa sa mga dahilan kung bakit naantala ng bahagya ang proyekto. “Bukod sa ulan, yung mga poste ng Telcos na mahahagip ng road construction ay dahilan din kung bakit hindi agad masagad ang trabaho,” ayon kay Frago.
Idinagdag pa niya na bagamat may mga unforeseen circumstances, ‘nasa halos 51% nang tapos ang proyekto at inaasahan nila na matatapos ito ng mas maaga kumpara sa naunang nabanggit na completion date. Kinwestyon naman ni kagawad Nestor Boy Dimacuha ang tila kakulangan ng mga equipment ng contractor.
Dalawang backhoe lamang aniya ang nakikita niya at tila nabawasan pa nang huli siyang mapadaan sa site. “ Hindi namin kayo ipinatawag upang sisihin, nais lamang namin na makabuo ng strategies para maibsan ang trapiko at makaisip ng pamamaraan upang mabilis na matapos ang proyektong ito,” sabi ni Dimacuha.
Sinabi naman ni Eng. Romy Garcia, Operations Manager ng Jasmig na ibinalik lamang sa staging area ang isang backhoe at umasa aniya sila na ibabalik na sa site ngayong hindi na umuulan. Nagsimula ang konstruksyon ng Manila to Batangas Road noong June 21. Ang mga barangay na sakop nito ay Balagtas, Alangilan, at Kumintang Ilaya. (PIO Batangas City)
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.