- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
COVID-19 vaccination update sa Batangas City, iniulat ng CHO
- Details
- Saturday, 28 August 2021 - 4:52:35 PM
May 43, 626 indibidwal ang fully vaccinated na habang 100,687 naman ang nabakunahan na ng 1st dose ng COVID-19 vaccine mula sa A1-A5 priority groups sa Batangas City. Ito ay ayon sa ulat ni Batangas City Health Officer Dr. Rosanna Carmelita Barrion sa isinagawang virtual Full Development Council Meeting ng Batangas City Development Council (BCDC) noong August 27.
Tinatagubilinan ng City Health Office (CHO) ang mga barangay officials na magsumite ng mga pangalan ng kanilang mga nasasakupan na nasa ilalim ng mga priority groups. “Humihingi kami ng tulong sa mga barangay na pakiusapan ang kanilang mga constituents na huwag mamili ng mga vaccines dahil ang lahat ng vaccines ay nagbibigay ng protection laban sa severe disease at ang mga ito ay ligtas", pagbibigay diin ni Dra.
Ipinaalala din niya ang PDITR Strategies na aniya ay mahalaga upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 lalo’t higit sa mas nakahahawang delta variant. Ito ay ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment, at Re-integration.
“Nais kong linawin na officially ay wala pang case ng delta variant dito sa lungsod pero hindi tayo dapat makampante dahil mayroon nang reported cases sa ating karatig na munisipalidad kaya’t magdoble ingat tayong lahat,” paliwanag niya.
Ayon pa sa ulat ng CHO, mayroong 7, 463 total cases sa lungsod as of August 26 kung saan 438 dito ang active case, 6,753 ang recovered at 272 ang mga pumanaw. 73 out of 105 barangays sa lungsod ang mayroong aktibong kaso ng COVID19.Pinakamarami dito ang Sta. Rita Karsada na mayroong 40, sumunod ang Alangilan na mayroong 32 at Kumintang Ibaba na mayroong 26 na kaso.
Patuloy ang kanyang panawagan na iwasan ang non-essential gatherings tulad ng parties, inuman, videoke at iba pa. “Konting sakripisyo pa sana, bagamat sabik na tayong lahat na bumalik sa normal na pamumuhay pero kung ang simpleng pagsunod sa health protocols ay hindi pa din magawa ng iba, magtatagal pa ang pandemyang ito,” dagdag pa ni Dra. Sinang-ayunan naman ito ni 5th District Representative Marvey Mariño kung saan sinabi niya na malaki na ang hirap at pagod ng mga frontliners kaya dapat lamang na magkaroon ng disiplina ang bawat isa. “Halos makipag-away na ako sa national government para magkaroon ang lungsod ng Batangas ng karagdagang vaccines. Ipinaglaban ko din yung mga hospital dito na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran ng Philhealth bilang pagsuporta sa dedikasyon at sipag ng ating mga frontliners,” sabi ni Congressman. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.