- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Police Visibility Strengthened
- Details
- Created on Friday, 20 February 2015 - 4:01:00 PM
- Friday, 20 February 2015 - 4:01:00 PM
Bilang tugon sa sunod-sunod na ulat sa nangyari umanong bullying at extortion sa labas ng ilang paaralan sa lungsod ng Batangas, isang pagpupulong ang isinagawa ng City Peace and Order Council noong ika-10 ng Pebrero sa Gusali ng Kalikasan at Kapayapaan na dinaluhan ng mga konsernadong ahensiya ng pamahalaan at ilang pribadong sektor.
Ang naturang pagpupulong ay mula sa inisyatibo ni Council Chairman Mayor Eduardo B. Dimacuha upang pangalagaan ang kapakanan ng mga estudyante sa lungsod.
Ayon kay Atty. Victor Reginald Dimacuha, lubhang nakakaalarma ang mga nangyayaring ito sa mga paaralan lalo pa at nakatakdang magbukas ang sangay ng Philippine Science Highschool sa buwan ng Hunyo.
Subalit aniya, naniniwala siya na sa pagtutulungan ng mga nasa Peace and Order Council ay magkakaroon ng agarang solusyon ang mga ito.
Ilan sa mga napag-usapan bukod sa bullying at extortion sa mga paaralan ay ang pagpapalakas ng police visibility sa bawat paaralan at establisimiento.
Tiniyak ni Batangas City PNP Chief Manuel Castillo na magdaragdag siya ng mga tauhan upang higit na masubaybayan ang mga nasabing mga lugar.
Nakiusap din siya sa mga pamunuan ng eskwelahan na magkaroon ng close coordination sa kaniyang tanggapan upang agad silang makaaksyon kung mayroong problema sa kanilang paaralan.
Napagkasunduan din na magkakaroon ng hiwalay na na pagpupulong ang PNP, Fiscal’s Office, Defense and Security Services (DSS), Traffic Development and Regulatory Office (TDRO) at mga Barangay officials upang talakayin ng mas malalim ang bullying at makagawa ng plano upang matigil ito.
Ilan sa mga kinatawan ng paaralan na lumahok sa meeting ay mula sa Saint Bridget Colleges, University of Batangas, Batangas National Highschool, Batangas State University at kinatawan mula sa Department of Education.
Bukod sa mga school officials, dumalo rin sa pagpupulong ang Department of Interior and Local Government (DILG), PNP, TDRO, DSS, Prosecutor’s Office, Armed Forces of the Philippines, Sangguniang Panglungsod, mga myembro ng media at ilang estudyante sa lungsod. (JERSON J. SANCHEZ, PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.