Korina Sanchez Visits Batangas City

Pinangunahan ng sikat na journalist, broadcaster at newscaster na si Korina Sanchez ang ribbon cutting ceremony ng bagong tanggapan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) -Batangas sa harapan ng Plaza Mabini noong ika-13 ng Pebrero.

Nagpaunlak din ng panayam ang host ng award winning magazine show na Rated K sa mga lokal na mamamahayag.

Pagkatapos ng panayam ay kaagad siyang nagtungo sa Cuta Elementary School para sa “Handog Tsinelas”campaign kung saan beneficiaries nito ang mga kabataan ng Barangay Cuta at Wawa.

Nauna rito, nagbigay ng inspirational message si Sanchez sa mga mag-aaral na dumalo sa 12th Politikapekonomiya forum na ginanap sa Batangas State University gymnasium.

Ang forum ay may temang “For Better or for Worse: In the Midst of a Nation in Doubt”.

Ito ay proyekto ng Economics Society ng College of Accountancy, Business Economics and International Hospitality Management (CABEIHM) na sinimulan anim na taon na ang nakakaraan.

Tinalakay dito ang Philippine Security in the ASEAN Integration at Philippine Politician’s Integrity in Question.

Nagsilbing panelists sina Ed Nichols, PCCI VP for South Luzon; Felimon Berba Jr, former President of Maynilad and Globe Telecoms at ngayon ay isa sa mga Board of Directors ng BSU; Atty Aleta Tolentino, former member of the BOD of PCSO at ngayon ay Executive Director ng KOMPRE ( Koalisyon ng mga Mamamayan para sa Reporma) at si Prof. Albert Gamatero ng De La Salle Lipa. Dumalo din dito si BSU President Dr Tirso Ronquillo.

Nagsilbing audience naman ng forum ang mga mag-aaral ng ibat-ibang campus ng BSU, AMA Computer College, University of Batangas, Mabini College, Rizal College of Taal, Batangas College of Arts & Sciences at Golden Gate Colleges. (Ronna Endaya Contreras/Russel Laluces)

 

korina.jpg korina2.jpg korina3.jpg