- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mga posibleng tourism destinations sa barangay Talumpok, binisita ng DOT
- Details
- Thursday, 16 June 2022 - 2:02:45 PM
Binisita ng mga participants at trainors ng Tourist Reception and Guiding Techniques Seminar ang mga tourist spots sa barangay Talumpok Silangan noong June 15 bilang huling bahagi ng kanilang tatlong araw na pagsasanay.
Layunin nito na makita ang kagandahan at ang potensyal ng nasabing lugar upang maging isang tourist destination.
Unang binisita ng grupo ang Talumpok Silang Lifestyle center ng mag-asawang Zenaida at Robin Willison.
Iprinesenta ng mga ito ang itinerary ng kanilang tour package sakaling tuluyan ng buksan ang turismo ng Talumpok.
Pinuntahan din nila ang herb garden kung saan ipinabatid naman sa kanila ang mga benepisyo ng bawat halamang nakatanim gayundin ang Gregoria Hall.
Kasunod na binisita ng mga participants ang Amatong Falls na isa lamang sa mga talon na matatagpuan sa barangay Talumpok Silangan.
Nilibot din nila ang Mt. Banoy kung saan isinagawa sa view deck dito ang huling lecture ng tour guiding seminar.
Ayon sa mga resource speakers mula sa Department of Tourism (DOT), malaki ang potensyal ng mga nasabing lugar partikular ang Mt. Banoy para dayuhin ng mga local at foreign tourists.
Kailangan lamang anila na i-develop pa ito, magkaroon maayos na itinerary at ihanda ang mga residente.
Ginawaran ng certificate of appreciation ang mga speakers bilang pasasalamat ng pamahalaang lungsod.
Ang nasabing tour guiding seminar ay pinamahalaan ng City Tourism Office sa pakikipag-ugnayan sa barangay council ng Talumpok Silangan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.