- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kahandaan ng lungsod sa panahon ng kalamidad, tinalakay sa full council meeting
- Details
- Wednesday, 22 June 2022 - 1:02:00 PM
Mga proyekto at hakbang sa paghahanda sa panahon ng tag-ulan at pagdating ng mga kalamidad sa lungsod ang tinalakay sa full council meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa pangunguna ni CDRRMC Chairperson Mayor Beverley Dimacuha, June 22.
Ang mga ito ay ang clearing operations ng mga drainage at canal, repair ng manhole cover, improvement ng drainage na isinasagawa ng City Engineers Office (CEO) sa mga pangunahing lansangan at ilang barangay sa lungsod upang maiwasan ang pagbaha.
Nagsagawa rin sila ng declogging ng mga kanal sa Rizal Avenue Extension, Evangelista St. at sa Poblacion 23 gayundin ang pagrepair ng canal center at pathway sa Sitio Ferry kaalinsabay ng cutting at bundling ng mga kable.
Ipinabatid ni CDRRM Officer Rod dela Roca, na sa pamamagitan ni Cong. Marvey Mariño ay naglaan ng pondo ang DPWH para sa pagsasaayos ng drainage system sa Lions’ marker at De Joya Subdivision sa Kumintang Ilaya upang maiwasan ang pagbaha.
Nagsasagawa ng clean-up drive ang barangay Balete, Dumantay at San Miguel at pagpuputol ng mga sanga ng punongkahoy na maaring magdulot ng panganib kung may malakas na hangin at pag ulan.
Ayon kay OIC- City Engineer Dwight Arellano, inaasahan na maiilipat na sa tamang lugar ang poste ng PLDT sa bahagi ng Colegio ng Lungsod Batangas (CLB) sa Arietta Road sa susunod na linggo.
Nakikipag-ugnayan naman ang DPWH sa MERALCO para sa paglilipat ng nakaharang na poste ng kuryente sa brgy. Balagtas.
Ayon sa MERALCO, may 98 poste ng kuryente na ang kanilang inalis at 101 poste naman ang itinayo sa tamang lokasyon mula pa noong taong 2018 habang 49 poste ang nakatakdang tanggalin at 54 naman ang itatayo.
Ipinaalam naman ng kinatawan ng PrimeWater na 93% complete na ang replacement at extension ng pipeline sa P. Burgos St.
Aprubado na rin aniya ang proposed water source development sa barangay Sico na magbibigay na sapat na suplay ng tubig sa nasabing mga lugar.
Binigyang diin ng PrimeWater na may regular water testing silang isinasagawa kung saan nananatiling pasado at ligtas ang kanilang suplay ng tubig sa lungsod.
Tampok din sa naturang pagpupulong ang pag-apruba sa Disaster Risk Reduction and Management Plan 2020-2025 kung saan nakapaloob na dito ang paghahanda para sa mga pandemya, City Contingency Plan 2020-2025 at ang Earthquake Contingency Plan.
Ang mga ito ay ii-endorso sa Sangguniang Panlungsod para pagtibayin.
Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Dimacuha sa lahat ng miyembro ng council lalo’t higit sa pribadong sektor sa pakikipagtuwang para sa naturang paghahanda. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.