Sharina Lexin Jacinto Villena, Ms. Batangas City Foundation Day 2022

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang “Pamanhikan” sa tahanan nina Sharina Lexin Jacinto Villena noong June 28 upang pormal na hilingin na itanghal siya bilang Ms Batangas City Foundation Day 2022.

Si Sharina ay 18 taong gulang na Senior High student sa De La Salle – Lipa.

Siya ay bunsong anak nina Engr. Arvil Gregorio Villena - Department Manager ng Batangas City Water District (BCWD) at Administrative Officer/Owner ng Golden Gate Batangas Hospital Inc. na si Sheela Marie Villena.

Ang pamanhikan ay ang pormal na paghingi ng pagsang-ayon ng napiling Ms Batangas City Foundation Day na isang prestihiyosong titulo na ipinagkakaloob lamang sa mga natatanging Batanguena.

Ipinaliwanag ni Secretary to the City Mayor Atty. Reginald Dimacuha ang proseso ng pagpili ng Ms Foundation Day at ang magiging partisipasyon at tungkulin ni Sharina sa pagdiriwang ng ika-53 taong pagkakatatag ng lungsod.

Kasama ni Mayor sa naturang okasyon ang mga miyembro ng Cultural Affairs Committee (CAC) at mga Department Heads ng pamahalaang lungsod.
Pormal na ipapakilala si Sharina sa July 23 bago isagawa ang banal na misa sa Basilica ng Immaculada Conception. (PIO Batangas City)