- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Tingga-Pinamucan bypass road, bukas na
- Details
- Friday, 22 July 2022 - 4:31:46 PM
Pormal nang binuksan sa publiko ang Tingga to Pinamucan Bypass road sa pangunguna nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha sa soft opening na isinagawa noong July 22. Ayon kay Cong. Mariño, mas makasaysayan ang pagdiriwang ng Foundation Day ng lungsod ngayong taon dahil sa pagbubukas ng naturang access road.
Makakatulong ito aniya upang maibsan ang mabigat na daloy trapiko sa nasabing mga lugar at magbibigay din ng higit na kaunlaran sa lungsod. Nagpasalamat siya kay Mayor Beverley Dimacuha na siyang naglaan ng pondo para sa acquisition ng right of way habang ang konstruksyon ng bypass road ay mula sa pondo ng Department of Public Works and Highway (DPWH).
“Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang makahanap ng pondo para sa tuloy tuloy na konstruksyon ng bypass road. Kung magkakaroon ng sapat na budget, plano ko na ituloy ito hanggang barangay Simlong o Ilijan”, sabi ni Cong. Mariño. Pinaalalahanan ni Mayor Dimacuha ang mga drivers, cyclists at iba pang dumadaan dito na maging maingat dahil wala pang mga traffic lights and warning signs sa kahabaan nito. Binigyang diin din niya ang pagkakaroon ng disiplina sa kalsada upang maiwasan ang aksidente at mapangalagaan ang nabanggit na access road. Sakay ng bisekleta, nilibot nina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha kasama ang ilang city councilors gayundin ang ilang bicycle enthusiasts sa lungsod ang bypass road. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.