CBMS seminar, binisita ni Mayor Dimacuha

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Binisita ni Mayor Beverley Dimacuha ang mga 352 participants na sumasailalim sa Community Based Monitoring System (CBMS) seminar na isinasagawa ng City Planning and Development Office (CPDO) sa Colegio ng Lungsod ng Batangas, August 9.

Sila ang magsisilbing enumerators ng CBMS mula sa ibat-ibang barangay sa lungsod at mga job order employees ng pamahalaang lungsod na magsasagawa ng census sa mga kabahayan sa lungsod. Nakapaloob sa training ang data encoding gamit ang tablet. Sila ay tatanggap ng honorarium base sa kanilang output.

Kaugnay nito, hiniling ni Mayor ang commitment ng mga ito sa proyekto. “Huwag sana kayong bibitaw hanggang Oktubre, lubhang mahalaga ang makakalap ninyong data dahil ito ang magiging basehan ng mga programa at benipisyong maaaring ipagkaloob sa mga residente ng lungsod”, sabi ni Mayor.

Sa pagtatapos ng naturang proyekto, siya aniya mismo ang mag-aabot ng certificate of appreciation sa mga enumerators bilang pasasalamat.

Kasama rin sa nabanggit na seminar ang mga team supervisors (TS) na siyang makakatulong sa validation ng mga nakalap na datos. Katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagsasagawa ng CBMS ang Philippine Statistics Authority (PSA). (PIO Batangas City)