TINGNI: Pansamantalang ipinagbabawal ang paglabas at pagpasok ng lahat ng uri ng poultry sa barangay Tinga Itaas, Sorosoro Ibaba at San Pedro

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

TINGNI: Pansamantalang ipinagbabawal ang paglabas at pagpasok ng lahat ng uri ng poultry sa barangay Tinga Itaas, Sorosoro Ibaba at San Pedro hanggat hindi pa lumalabas ang resulta ng pagsusuri na isinagawa ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL).
Ito ay kaugnay ng pagkakaroon ng kaso ng avian influenza H5N1 strain sa isang leisure farm sa barangay Sabang, Ibaan.
Kabilang ang mga nabanggit na barangay sa lungsod sa nahagip ng 1km radius zone kung kayat kailangang malimitahan ang paglabas at pagpasok ng mga poultry products sa nasabing mga lugar.
Ang avian influenza o bird flu ay isang nakakahawang sakit dulot ng virus na karaniwang tumatama sa mga ibon.
Bukod sa mga domestic bird, tinatamaan din nito ang mga pato, manok, itik at pugo.
Dulot nito ay pagdudumi, hirap sa paghinga, mababang produksyon ng itlog at pagkamatay.
Ang virus nito ay kumakalat sa pamamagitan ng paglabas at pagkasira ng mga dumi ng ibon at maaaring mailipat sa pamamagitan ng tubig, pagkain, o anumang bagay na maaaring hawakan na may virus.
Hinihikayat ng Office of the City Veterinarian and Agricultural Services (OCVAS) ang mga farms sa lungsod na magsagawa ng mahigpit na Biosecurity Measures, inspection at monitoring upang maiwasan ang paglaganap ng bird flu. (PIO Batangas City)