Three-storey school building ng Sovereign Shepherd, pinasinayaan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Pinasinayaan noong January 29 ang three-storey Senior High school building ng Sovereign Shepherd’s School of Values and Learning sa barangay Soro-soro Ibaba sa pangunguna nina Mayor Beverley Dimacuha at ni Congressman Marvey Mariño.


Kaalinsabay ng ribbon cutting ceremony ay ang thanksgiving celebration para sa 29th anniversary ng Sovereign Shepherd Baptist Church na pinangungunahan ni Pastor, Atty. Mickel Borigas.

Binigyang diin ni Mayor Dimacuha sa kanyang mensahe sa naturang okasyon ang pagpapatibay ng “values and discipline” na adbokasiya ng kanyang administrasyon.


Kinilala at pinasalamatan niya ang nasabing paaralan bilang katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagpapalakas ng nabanggit na adbokasiya.
Ipinaabot naman ni Cong. Marvey ang kanyang pagbati sa paaralan at siniguro ang patuloy na suporta sa edukasyon ng mga taga-lungsod.
Hinamon niya ang mga magulang, mag-aaral at mga panauhin na dumalo sa pagtitipon na gamitin ang husay at talento sa pag-papaunlad ng bansa lalot higit sa lungsod ng Batangas.


Bukod kay School President Atty. Borigas, nakiisa din sa nabanggit na gawain sina Barangay Chairperson, Nelson Geron, Arch. Jem Tomagan, Bishop Ruben Abante at Pastor Danny Del Mundo. (PIO Batangas City)