- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
541 EBD College scholars, tumanggap ng allowance
- Details
- Saturday, 28 January 2023 - 11:59:00 AM
May 541 EBD college scholars ang tumanggap ng allowance mula kina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Marino sa distribution na idinaos sa barangay Wawa covered court noong January 28.
Ito ang huling batch ng mga scholars na nabigyan ng allowance mula sa barangay Poblacion 1-24, barangay Cuta, Wawa, Malitam, Sta. Clara at Isla Verde.
Sa kabuuan ay may 29,633 high school at college scholars ang pamahalaang lungsod para taong 2022-2023 kung saan P68M ang inilaang budget para dito.
Bago ang naturang pamamahagi ng allowance, nagtanim muna ang mga scholars ng mga punongkahoy sa itinalagang lugar sa barangay bilang bahagi ng kanilang community service.
Layunin din nito na maituro sa mga mag-aaral ang social responsibility tulad ng pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.
Nag-uwi rin ang mga iskolar ng tree seedlings para itanim sa kani kanilang lugar na imo- monitor sa pamamagitan ng regular posting ng mga larawan ng puno sa EBD Scholarship Facebook page.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Mayor Dimacuha sa mga scholars ang mga pangaral ng kanyang ama na si dating Mayor Eddie Dimacuha.
Ilan dito ay panatilihin ang kababaang loob kahit gaano pa kataas ang makamit na tagumpay, alalahanin ang mga taong tumulong kagaya ng pamilya at ang pamahalaang lungsod na tumaya upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan.
Hinikayat din niya ang mga ito na patuloy na paunlarin ang kanilang sarili.
Aniya, umaasa siya na patuloy na ma-develop sa mga scholars ang disiplina at pagmamahal sa lungsod.
Sinabi naman ni Cong. Marvey Marino na ginagawa nila ang lahat ng makakaya para makahikayat ng mas maraming investors sa lungsod upang masigurong may magandang oportunidad sa trabaho hindi lamang ang mga magsisipagtapos na iskolars gayundin ang lahat ng residente ng lungsod.
Ang distribution ay pinamahalaan ng Mayor's Action Center (MAC), katulong ang City Treasurer's Office, City ENRO, PIO, City PNP, EBD monitoring team, brgy officials ng Wawa at mga miyembro ng Phil. Coast Guard Auxilliary 511 Squadron.
Nakatuwang naman sa tree planting activity/project ang Malampaya Foundation Inc. at JG Summit na silang nagkaloob ng mga tree seedlings at tree saplings.
Nakiisa din sa nabanggit na gawain ang mga myembro ng Sangguniang Panglungsod.
Namahagi naman ng pagkain sa mga dumalo ang Marvey's Kitchen.
Inihahanda na ng MAC ang susunod na community service para sa mga scholars. (
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.