Libreng sine sa Plaza Mabini, dinumog

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Dinumog ng mga manonood ang libreng sineng handog ng pamahalaang lungsod sa Plaza Mabini noong February 12.

Ito ay isa sa mga gawaing inihanda at atraksyong hatid ng Cultural Affairs Committee (CAC) na naglalayong mabigyan ng kasiyahan hindi lamang ang mga magpartners o lovers gayundin ang buong pamilya para sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso.

Hangad din ng gawaing ito na matulungan ang mga maliliit na negosyo tulad ng mga food at non- food businesses na magkaroon ng pagkakakitaan maging ang mga local artists tulad ng mga buskers, at super heroes-street performers.

Bago simulang ipalabas ang pelikula, nagkaroon muna ng palaro kung saan nag uwi ng regalo at cash prizes ang mga nanalo.

Nakatakda namang isagawa ngayong gabi ang “Magkatuwang na Puso”-dating game na lalahukan ng ilang piling kabataan sa lungsod.

Naghanda din ang pamahalaang lungsod ng isang romantic Valentine’s Night celebration na may acoustic band performances sa February 14.

Magpapatuloy ang mga atraksyon, food stalls at performances sa Plaza Mabini hanggang February 28. (