- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mayor's Cup 2023, nagsimula na
- Details
- Sunday, 16 April 2023 - 5:03:26 PM
Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha at Batangas 5th District Representative Marvey Marino ang opening ceremonies ng Mayor’s Cup 2023 sa Batangas City Sports Coliseum na dinaluhan ng mga manlalaro at mga taga-suporta ng 52 barangay na lumahok dito, April 15. Ito ang ika-17 taon ng pagdaraos ng Mayor’s Cup at unang pagkakataong isagawa mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Layunin ng nasabing liga na tutukan at paunlarin ang grassroot development ng mga manlalarong Batangenyo. Isang parada mula Plaza Mabini hanggang sa venue na nilahukan ng mga participating teams ang isinagawa bilang hudyat ng pagsisimula ng palaro.
Ayon kay Local Youth Development Officer Nelbert Magbanua, 43 koponan ang kasali sa Basketball Under-22 na hinati sa anim na brackets. “Ang top 2 teams sa bawat bracket ang maglalaro sa quarterfinals na hahatiin muli sa 2 bracket kung saan ang mangingibabaw na 2 koponan dito ang papasok sa semifinals. Ang magwawagi sa crossover semis ang maghaharap para sa kampeonato ng Mayor’s Cup 2023,” sabi ni Magbanua.
Pitong teams naman ang sumali sa Under-13. Mayroong 26 na koponan ang kasali sa men’s volleyball habang 13 teams naman ang magtatagisan ng galing sa women’s volleyball. Bukod sa basketball at volleyball, ilan din sa sports events ng Mayor’s Cup ay ang table tennis, softball at baseball.
Samantala, nagwagi ang UB Pep Squad sa ginanap na cheerdance competition samantalang ang barangay Bolbok naman ang nanalo sa bench cheering competition. Tinanghal na Best Muse ng liga si Daisy Amorado mula sa barangay Balagtas at hinirang na Ms. Instaglam si Jenel Margaret Macatangay ng Sta. Rita Karsada. Sila ay tumanggap ng tropeo at cash prize. Ang mga laro ay simultaneous na gaganapin sa covered courts ng ibat-ibang barangay. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.