- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
National Milo Marathon, kasado na
- Details
- Friday, 19 May 2023 - 1:48:00 PM
“All systems go” na para sa Batangas Leg ng National Milo Marathon na gaganapin sa lungsod sa May 28. Ito ay ayon sa Event Manager ng Runrio Inc na si Abbie Aranda na siyang tumatayong organizer ng naturang event. Inaasahan aniya na ito ay lalahukan ng 7000 marathon enthusiasts mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Tatlong lugar lamang ang pagdadausan ng Milo Marathon kung saan kabilang ang Maynila, Cagayan De Oro at Batangas City. Binigyang diin din niya na napili nila ang Batangas City na pagdausan ng Milo Marathon destination run sapagkat organisado at sistematiko ang execution ng pamahalaang lungsod sa pagsasagawa ng nabanggit na aktibidad sa mga nakalipas na taon Lubos din ang pasasalamat ng grupo kay Mayor Beverley Dimacuha sa pagkakataong ibinigay nito na muling maging bahagi ang lungsod sa naturang prestigious running event.
Ilan sa categories na paglalabanan ay ang 3k, 5k,10k, at 21k. Ito ay bukas sa lahat ng mahihilig sa marathon sa buong bansa.
Ang starting at finish point ay sa Plaza Mabini. Ang gun start para sa 21k ay sa ganap na ika-4:30 ng umaga. Ang 10k ay 5:00AM, ang 5k ay 5:35AM at ang simula ng 3k ay 5:30 ng umaga. Kaugnay nito, nagsagawa ng pagpupulong ang core group ng National Milo Marathon noong May 9 upang masiguro ang kahandaan ng isasagawang aktibidad.
Ilan sa pinagusapan ng grupo ay ang traffic plan, safety plan, medical plan, hydration areas at manpower deployment. Samantala, kalinsabay ng pagtakbo ay magkakaroon din ng cheerdancing competition sa kahabaan ng P.Panganiban na lalahukan ng ibat-ibang paaralan.
Mayroong onsite registration sa May 20-21 sa Local Youth Development Office (LYDO) sa 2nd Floor Boy Scout Building sa P. Herrera Street o tumawag lamang sa telepono bilang 408-8012. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex
P. Burgos Street, Brgy. Poblacion 17
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.