- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City muling ginawaran ng Green Banner Seal of Compliance
- Details
- Wednesday, 02 August 2023 - 10:00:00 AM
Ginawaran sa ikalawang pagkakataon ng Green Banner Seal of Award ang Batangas City sa isinagawang 2023 Regional Nutrition Awarding Ceremony for CALABARZON na ginanap sa Seda Hotel Nuvali Sta Rosa Laguna noong August 1.
Ang Green Banner award ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa lokal na pamahalaan kaugnay sa mahusay na pagpapatupad at pangangasiwa ng mga nutrition program.
Ayon kay City Nutrition Officer Eva Mercado, bumaba ang malnutrition rate sa lungsod dahil sa iba’t ibang health nutrition programs na may layuning makamit ang zero malnutrition rate.
Kabilang sa mga programang ito ang supplementary feeding, ang pamamahagi ng micronutrient supplements tulad ng Vitamin A at Iron syrup, ang information at education campaign sa mga magulang kung saan itinuturo ang pagbibigay ng wastong nutrisyon.
Kaugnay nito, nahirang si Mercado bilang isa sa mga Regional Outstanding City Nutrition Action Officer (CNAC).
Finalist naman sa 2023 Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar si Noriemi Macatangay ng barangay Balete.
Ang pagpili sa mga nagwagi ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbisita ng mga myembro ng Regional Nutrition Council CALABARZON sa ibat-ibang lungsod at lalawigan upang magsagawa ng ebalwasyon at matutukan ang implementasyon ng nutrition program.
Ang naturang okasyon ay dinaluhan nina Asst Secretary and Executive Director IV ng NNC Dr Azucena Dayanghirang at Director IV –DOH CHD Dr Ariel Valencia at ni Regional Nutrition Proram Coordinator ng NNC CALABARZON na si Carina Santiago.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.