- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Blades percussion-Batangas City, 3-peat champion
- Details
- Tuesday, 01 August 2023 - 1:44:00 PM
Nakakuha ng three-peat championship ang Blades Percussion-Batangas City nang manalo sa tatlong magkakasunod na taon sa Philippine Drum and Lyre Associates Inc. (PDLAI) National Hybrid Competition 2023 sa Antipolo City noong July 23.
Nagwagi ang grupo sa nasabing kompetisyon noong 2019 at nasundan sa muling pagsasagawa nito matapos ang pandemya noong 2022.
Ang Blades Percussion -Batangas City na isang marching band ay binuo sa administrasyon ni dating Mayor Eduardo Dimacuha noong 2011 sa layuning mabigyan ng oportunidad ang mga kabataan na mapaunlad at maipamalas ang kanilang talento sa musika at sining.
Sa kasalukuyan ito ay 70 miyembro na kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Ang banda ay nasa ilalim ng pagsasanay ni Christopher Ramos.
Nag courtesy call ang grupo kay Mayor Beverley Dimacuha noong July 25 upang ipresenta ang nakamit na karangalan at personal na magpasalamat sa patuloy na suporta nito.
Nagpapasalamat din sila sa Local Youth Development Office (LYDO) at sa ibang samahan at indibidwal na tumulong sa kanila upang makamit ang tagumpay.
Ayon kay Ramos, malaking karangalan at blessing ang makamit ang championship sa tatlong magkakasunod na taon. Ito aniya ay magsisilbing inspirasyon para lalong pagbutihin ang kanilang pagsasanay.
“
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.