TINGNI: Magsisimula na ang filing of certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

TINGNI: Magsisimula na ang filing of certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa August 28 at tatagal hanggang September 2.

Kaugnay nito, nagsagawa ng pagpupulong ang Batangas City Police Station (BCPS) at ang Batangas City COMELEC upang masiguro ang kaayusan sa mga araw na ito gayundin sa mismong araw ng halalan sa October 30.

Ayon kay Batangas City Police Station (BCPS) PLTCOL Diana DC. del Rosario, titiyakin nila na may sapat na tauhang naka-deploy sa mga polling centers.
Ipatutupad din nila ang gun ban na magsisimula sa August 28 hanggang November 29 at ang liquor ban sa October 29-30.

Sinabi naman ni Batangas City COMELEC Election Officer Atty. Jonathan Carungcong na handa na ang kanilang tanggapan sa nalalapit na halalan kabilang na ang pagmomonitor sa panahon ng pangangampanya.

Nakipag-ugnayan na din aniya sila sa DepEd para sa mga guro na magsisilbi sa eleksiyon.

Samantala, ayon sa tala, may 82 polling places, 1,381 established precincts, 682 clustered precincts at 227,682 registered voters sa lungsod. (PIO Batangas City)