TINGNI: "Honoring the Invaluable Legacy of Filipino Senior Citizens’ ang tema ng pagdiriwang ng Elderly Week Filipino ngayong taon.

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: "Honoring the Invaluable Legacy of Filipino Senior Citizens’ ang tema ng pagdiriwang ng Elderly Week Filipino ngayong taon.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 470 na naglalayong pahalagahan at kilalanin taun-taon ang mga kontribusyon ng senior citizens sa lipunan.
Kaugnay nito, isang programa ang isinagawa sa Batangas City Sports Center noong October 12 na dinaluhan ng mga myembro ng Senior Citizens Association mula sa iba't ibang barangay sa lungsod.

Ayon sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha, mataas ang kanyang pagkilala at respeto sa mga senior citizens na inilaan ang panahon at kalakasan para sa pagtataguyod ng kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

Highlight ng selebrasyon ang paggagawad ng parangal sa apat na centenarians at sampung centenaries na itinuturing na yaman ng kasaysayan at kultura ng lungsod dahil nasaksihan nila ang mga pagbabagong naganap sa lungsod sa nakalipas na 100 taon.
Ang pinakamatanda sa mga centenarians ay si Lorenzana De Guzman ng barangay Cuta na 105 taong gulang.
Sila ay ginawaran ng plaque of recognition, P20,000 mula sa pamahalaang lungsod at P100,000 naman mula sa Department of Social Welfare and Development(DSWD).

Binigyan naman ng certificate of recognition ang mga Chapter President na nagsilbi sa loob ng siyam na taon.
Naging panauhing pandangal naman si Retired Military Officer LTGEN Ricardo Rainier Cruz ng National Commission of Senior Citizens na nagpahayag ng paghanga kay Mayor Dimacuha dahil sa suporta nito sa mga nakatatanda hindi lamang sa pagbibigay proteksyon sa karapatan at pribilehiyo ng mga ito gayundin sa kinakailangan nilang pag-alalay sa aspeto ng kalusugan.

Nagpamalas din ng talento sa pagkanta at pagsayaw ang ilang senior buhat sa ibat-ibang cluster.
Ang pagdiriwang “Linggo ng Katandaang Filipino” ay pinamahalaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at ang City Council for the Elderly (CCE). (PIO Batangas City)