UP Symphony Orchestra, nagtanghal sa lungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagtanghal ang UP Symphony Orchestra sa isang concert na may titulong “Symphony of Dreams” sa University of Batangas noong November 11.
Ang naturang konsyerto ay impact project ng Soroptimist International Batangas Premier (SIBP) para sa kanilang mga scholars at iba’t ibang mga training programs para sa mga kababaihan.

Ito ay bahagi rin ng ng kanilang 10th anniversary celebration.
Ang SIBP ay isang grupo ng mga kababaihan na tumutulong upang higit na mapalakas ng sector ng kababaihan ang kanilang kakayahan, maiangat ang kanilang pamumuhay at maabot ang kanilang pangrap.

Ayon kay SIBP President Loida Mayo, sa halip na magkaroon ng party para ipagdiwang ang mga naging proyekto at achievements ng grupo, ginamit nila ang naturang okasyon upang maipabatid at maibahagi sa mga manonood ang kultura at social life sa Batangas City.

“For this epic project, we open the doors of the concert hall to our young people to fill up our silent seats”, sabi ni Mayo.
Lubos ang kagalakan ni UB President Marlene Hernandez-Bohn na naging katawang sila ng SIBP sa nasabing proyekto.

“We take pride in working with SIBP in making the event successful for the benefit of their Mentoring Programs and Skills, Training and Livelihood Projects”, ayon kay Bohn.

Ilan sa mga itinanghal ng UP Symphony Orchestra ang Westside Story Selections, Phantom of the Opera Medley, Mutya ng Pasig, Christmas Medley at iba pa.
Nagpaunlak din ng mga awitin ang mga soprano singers na sina Stefanie Quintin at ang Batanguenang si Bernadette Baco. (PIO Batangas City)