- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Bagong halal na Barangay at SK Officials, nanumpa sa tungkulin
- Details
- Tuesday, 21 November 2023 - 3:23:10 PM
Pinangasiwaan ni Mayor Beverley Dimacuha ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials ng 105 barangay sa Batangas City, November 20. Kasama ni Mayor Dimacuha sa naturang oathtaking si Congressman Marvey Mariño. Kapwa pinaalalahanan nina Mayor at Congressman ang mga opisyales na maging mabuti at tapat na lider sa kani-kanilang barangay. Tiniyak din nila ang kanilang suporta sa mga isasagawang proyekto at gawain ng mga ito para sa kapakanan ng barangay.
Hiniling rin ni Mayor sa mga opisyal na maging disiplinado, manatiling simple at iwasang maging barako sa kanilang barangay. “Kape lamang ang barako sa Batangas, ipakita ninyo ang inyong tapang sa pagsugpo ng mga iligal na gawain sa inyong barangay, at kami ay nasa likod ninyo” sabi ni Mayor Dimacuha.
Pinaalalahanan naman sila ni Cong. Mariño na dapat maging handa sa mga pagsubok na maaari nilang kaharapin. Marami aniya silang responsibilidad na dapat gampanan. Hinikayat din niya na magkasundo na yaong mga naging magkakalaban sa posisyon noong eleksyon at magkaisa ang lahat para sa pag-unlad ng barangay.
Dumalo sa okasyong ito sina Vice Mayor Alyssa Cruz, City Councilors, Board Members Claudette Ambida at Bart Blanco, Vice Governor Mark Leviste, dating Vice Mayor, Dr. Jun Berberabe, mga dating konsehal ng lungsod at City DILG Director, Esther Dator. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.