Sangguniang Panlungsod, 2nd Runner Up sa Local Legislative Awards 2023

  1.jpg

Nagwagi bilang 2nd runner up ang Sangguniang Panglungsod sa Local Legislative Awards (Component Cities category) sa ginanap na Year-End Assembly ng Philippine Councilors League sa World Trade Center noong December 5.

Ang naturang parangal ay ang award system ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan kinikilala ang exemplary performance ng Konseho ng mga munisipalidad at syudad sa bansa.

Dumalo sa naturang okasyon upang tanggapin ang karangalan ang mga myembro ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Alyssa Cruz.
(PIO Intern: Jericka Mendoza)