- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Libu-libong deboto ng Sto. Niño, lumahok sa fluvial procession
- Details
- Monday, 08 January 2024 - 4:23:00 PM
Libu-libong deboto ng Mahal na Poong Sto. Niño ng Batangan ang lumahok sa fluvial procession na idinaos noong January 7 bilang pagpapakita ng kanilang malakas na debosyon sa Mahal na Patrong Sto. Nino.
Ang taunang fluvial procession ng Sto. Nino sa Calumpang River ay idinadaos tuwing simula ng nobena ng kanyang kapistahan sa ika-16 ng Enero.
Ang naturang gawain ay hindi lamang pasasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap kundi ang patuloy na tulong at gabay ng Mahal na Poon sa kanilang buhay.
Nagsimula ang fluvial procession na nilahukan ng mahigit sa 50 bangka sa barangay Sta. Clara patungong Calumpang River sa pangunguna nina Vice Mayor Alyssa Cruz, City Administrator Engr. Sonny Godoy, Immaculate Concepcion Parish Priest Fr. Angel Pastor kasama ang ilang opisyal ng pamahalaang lungsod.
Sa buong panahon ng fluvial procession, isinagawa ang pag-awit ng dalit sa Mahal na Patrong Sto Nino.
Pinangunahan naman ni Archbishop Gilbert Garcera at mga kaparian mula sa Basilica at iba pang parokya ng Archdiocese ng Lipa ang pagsalubong sa Mahal na Patron sa tulay ng Calumpang kung saan hinandugan ng sayaw na Subli ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan at community group ang Sto Nino bago isagawa ang prusisyon sa kabayanan.
Makikita ang iba’t ibang imahen ng Sto. Niño sa labas ng mga bahay sa poblacion habang dumadaan ang prusisyon.
Pagdating ng simbahan, sinalubong ang prusisyon ng isang magarbong fireworks display.
Nagtapos ang nasabing religious activity sa pamamagitan ng isang Banal na Misa sa Basilica na pinamunuan ni Archbishop Garcera. (PIO Batangas City)
Latest News
- TINGNI: Nagpasiklaban sa sayaw at awit ang mga mag-aaral sa elementary, highschool at college sa ibat-ibang paaralan sa Batangas City
- TINGNI: Isang simple ngunit makahulugang paggunita ng Araw ng mga Bayani ang isinagawa ng Boy Scout of the Philippines (BSP) Batangas City Council, August 26
- TINGNI: Tumaas ang dengue cases ng lungsod ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.