Rabies awareness, pinaigting

  1.jpg

Pinaigting ng City Health Office (CHO) ang kampanya hinggil sa rabis sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Information Education Campaign (IEC) at pamimigay ng mga reading materials sa ibat-ibang barangay sa lungsod bilang paggunita sa Rabies Awareness Month.

Katuwang nila ang mga kawani ng City Veterinary Office sa pagtuturo ng responsible pet ownership.

Nagbibigay naman ang CHO ng libreng bakuna sa mga nakagat ng aso tuwing araw ng Lunes, Martes, Huwebes at Byernes.

Ayon kay Gail Marek Reyes, humigit kumulang sa 100 kaso ang kanilang tinuturukan kada araw at karamihan sa mga ito ay mula sa mga alagang aso at pusa.

Payo nila na kung sakaling nasugatan o nakagat ng aso, hugasan agad ng sabon at malinis na tubig ang sugat ng 10 minuto o higit pa.

Binabawalan din nila na magpagamot sa tandok o albularyo at sa halip ay pumunta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment center upang magpabakuna ng anti-rabies o anti-tetanus kung kinakailangan.

Ang mga asong nakakagat naman ay dapat itali o ikulong upang ma obserbahan sa loob ng 14 na araw.

Iwasan ding patayin sa anumang paraan ang nakakagat na aso o pusa.

Kung mamamatay ito sa loob ng 14 na araw, ipaputol ang ulo sa beterinaryo, ilagay sa plastic at ibuhol ng maigi, lagyan ng yelo at dalhin sa City Veterinary Office. (PIO Batangas City)