- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Supplemental AIP 2024, inaprubahan ng CDC
- Details
- Monday, 08 April 2024 - 9:00:00 AM
Inaprubahan ng City Development Council (CDC) ng pamahalaang lungsod ang P2,993,250,000 Supplemental Annual Investment Program (AIP) no. 1 para sa CY 2024, sa idinaos na full council meeting nito, April 8.
Ang nasabing council meeting ay pinangunahan ni CDC Chairperson Mayor Beverley Dimacuha. Ang AIP ay nahahati sa tatlong sektor kabilang ang general public services, social services at economic services. May pinakamalaking estimated budget ang social services na umabot sa P2,103,500,000.00 na nakalaan para mga programs, projects at activities (PPAs) na tinukoy ng DepEd sa pamamagitan ng Local School Board (LSB), education services sa Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB), health services ng City Health Office (CHO), social welfare services, at disaster risk reduction services.
Kasunod nito ay ang economic services na may budget na P772,750,000.00 para sa mga PPAs ng engineering services, environment services, at infrastructure development programs.
Umabot naman sa P117,000,000.00 ang ponding inilaan para sa general public services na gagamitin sa executive services at local development programs.
Ipinaliwanag ni City Planning and Development Coordinator (CPDC) at CDC head secretariat Gigi Godoy na ang halagang nabanggit ay hindi ang eksaktong budget, sa halip ito ay gagamiting basehan sa paggawa ng supplemental budget 2024.
Sinabi rin niya na nakapaloob sa supplemental AIP ang mga karagdagang PPAs na hindi napabilang sa AIP 2024 na inaprubahan noong Agosto 2023.
Ito ay dahil sa mga bagong mandato na ibinababa ng national government, mga kailangang requirements, mga proyektong hindi naisa-alang-alang ng dating pamunuan ng barangay at iba pang kadahilanan.
Tampok sa naturang pagtitipon ang pagkakaloob kay Mayor ng 2022 Seal of Child Friendly Local Governance Award na iginawad ng DSWD at DILG Region IV-A sa Batangas City.
Nagbigay ng updates, announcements at advisories and Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamamamgitan ni City Director Esther Dator habang iniulat ng Co-Chairperson ng Batangas City People’s Council (BCPC) na si Engr. Francisco Tegon ang mga proyekto at naging gawain ng BCPC.
Bukod sa karagdagang paliwanag ukol sa AIP, hinikayat ni Congressman Marvey Mariño na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng mga komunidad para patuloy na maka-engganyo ng mga investors sa lungsod.
Ibinalita rin niya na naitalaga siya bilang miyembro ng Commission on Appointments na binubuo ng 12 senador at 12 miyembro ng House of Representatives.
Nakiisa din sa CDC Full Council meeting ang Chairperson ng Committee on Appropriations ng Sangguniang Panglungsod na si Coun. Karlos Buted, City Administrator Engr. Sonny Godoy at Secretary to the Mayor, Atty. RD Dimacuha.
Dumalo dito ang mga Punong Barangay, kinatawan mula CSOs, national government agencies, city department heads at city employees. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.