TINGNI: Dumalo si Mayor Beverley Dimacuha sa book launching ng Contextualized Science Laboratory Safety Management Manual

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

TINGNI: Dumalo si Mayor Beverley Dimacuha sa book launching ng Contextualized Science Laboratory Safety Management Manual sa Mabini Building ng Batangas City High School for the Arts noong May 8.

Ang naturang aklat na binuo ng mga Science teachers sa pangunguna ng Science Supervisor na si Dr Rowena Cabanding ng DepEd Schools Division Office (SDO) Batangas City ay gagamitin ng mga laboratory technicians ng mga public elementary at high schools sa lungsod bilang gabay sa paggamit ng state of the art Science laboratories na ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod.

Humigit kumulang sa 50 laboratoryo na ang naipagkaloob ng lokal na pamahalaan mula 2017 na ayon kay Mayor Dimacuha ay patunay ng kanyang suporta sa development ng Science Education at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral upang mag-excel ang mga ito sa nabanggit na larangan.

Ang nabanggit na manual ay ipinamahagi sa mga recipients upang kaagad na magamit ng mga ito.