Batangas City, nakiisa sa road clearing operations

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Nakiisa ang lungsod sa simultaneous nationwide barangay road clearing operations na isinagawa noong May 10.

Ito ay alinsunod sa memorandum ng Department of Interior and Local Government ( DILG) na naglalayong tanggalin ang lahat ng obstructions sa kalye na maaaring magdulot ng aksidente at masiguro ang maayos na daloy ng trapiko.

Isa sa tumalima dito ay ang barangay Gulod Itaas sa pamumuno ni Punong Barangay Lilay de Ocampo.

Magkasamang tinukoy at kinausap ng barangay officials at validation team ng road clearing operations ang mga konsernadong residente para alisin ang mga istrakturang sagabal sa daan.

Kabilang dito ang mga sasakyang nakaparada, signboards /advertisement at tambak ng lupa at iba pa.

Ang naturang clearing operations ay isasagawa buwan buwan kung saan kailangang magsusumite ng report ang barangay sa DILG ukol dito.
Ang validation team ay pinangungunahan ni DILG City Director Esther Dator, kasama ang mga kinatawan ng Batangas City Police Station (BCPS), Bureau of Fire Protection (BFP), TDRO at ilan pang konsernadong ahensya