TINGNI: Isang Strategic Policy Advocacy and Communication Training Workshop ang itinaguyod ng United States Agency International Development (USAID)

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

TINGNI: Isang Strategic Policy Advocacy and Communication Training Workshop ang itinaguyod ng United States Agency International Development (USAID) sa ilalim ng Cities for Enhanced Governance and Engagement (CHANGE) Project sa De La Salle University -Manila noong May 20-21.

Layunin nito na mabigyan ng sapat na kasanayan at kaalaman ang mga participants hinggil sa epektibong pagsusulong ng mga polisiya at mga patakaran na may transparency, accountability at citizen participation sa lokal na pamamahala.

Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng civil society organizations (CSO), information officers, Sangguniang Panlungsod members at mga kawani mula sa mga local government units (LGU) na katuwang ng USAID sa naturang proyekto.

Nagkaroon ng open forum kung saan nagkaroon ng pagkakataong makapagtanong ang mga dumalo sa mga local and national executives hinggil sa paggawa ng mga patakaran, estratehiya at taktika.

Tinalakay rin ang kahalagahan ng media sa pagbibigay ng totoo, malinaw at mapagkakatiwalaang balita.

Iminungkahi dito ang isang hakbang na nauna nang ipatupad sa Batangas City – ang pagkaroon ng CSO accreditation upang makatulong ng local council sa pagpo-promote ng kanilang mga adbokasiya sa ibat-ibang sektor at makilahok sa pagbabalangkas ng mga programang ipatutupad ng lokal na pamahalaan.