- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
1st Magkatuwang Tayo Fishing Championship, isinagawa
- Details
- Monday, 03 June 2024 - 12:00:00 PM
Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon ng pamahalaang lungsod ang "Magkatuwang Tayo Fishing Championship, Marangal Ang Mangisda sa Lungsod ng Batangas" noong June 1 at 2.
Ang naturang kompetisyon ay konsepto ni Congressman Marvey Mariño na naglalayong mai-promote ang legal at ligtas na pangingisda sa Batangas City. Nais din niyang mapalakas ang samahan ng mga mangingisda sa lungsod. Ito at nilahukan ng 298 na tradisyunal na mga mangingisda at hobbyist mula sa ibat-ibang barangay.
Tinanghal na kampeon sa traditional category si Virgilio Como ng barangay Mabacong na nakabingwit ng 12.300 kg. na tanigue puti. Wagi naman sa Sports category si Allan Guinihin ng Pinamucan Proper na nakahuli ng 7.490 kg na tanigue. Sila ay kapwa tumanggap ng P30, 000 na cash prize.
2nd place winner sa traditional category si Nemesio Balmes ng Simlong at 3rd place si Aristotle Anonuevo ng San Andres, Isla Verde.
Sa sports category, nanalo ng ikalawang pwesto si Raffy Hernandez at ikatlong pwesto si Rose Visco na parehong mula sa barangay Pinamucan Proper.
Nagbigay rin ng special awards para sa most number of catch, longest catch at iba pa. Naging bahagi ng competition ang "cook your catch" na napagwagian ng mga myembro ng KALIPI ng barangay Talahib Pandayan. Labis ang kasiyahan nina Mayor Dimacuha at Cong. Marvey Marino sa tagumpay ng proyekto. Bukod sa marami ang sumali, marami ang nahuling isda at walang naitalang aksidente. Patunay anila ito na sagana ang karagatan ng lungsod at malaya ring nakakapangisda dito. Tiniyak nila na patuloy silang magpapatupad ng mga programa at gawain para sa pangangalaga ng karagatan.
Ang awarding ceremony ay pinamahalaan ng komite na pinamunuan ni dating konsehal Serge Atienza. Nagkaroon din ng raffle para sa mga mangingisdang lumahok sa kompetisyon.
Nakiisa sa nabanggit na okasyon sina Vice Mayor Alyssa Cruz, Bokal Claudette Ambida at mga kasalukuyan at dating miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
“
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.