Error
  • JFolder: :files: Path is not a folder. Path: /home/batangas/public_html/web/images/News/2024/July/12/a/

17th Commencement Exercises ng CLB, idinaos

 

Huwag tumigil mangarap, magsikap at maging inspirasyon sa kapwa.
Ito ang mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha sa mga mag-aaral na nagsipagtapos sa 17th commencement exercises ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) sa Batangas City Sports Center ngayong araw, July 12.

Ang mga ito ay nagtapos sa kursong Bachelor of Elementary Education (BEED), Bachelor of Physical Education (BPED), Bachelor of Technology and Livelihood Education (BTLED), Bachelor of Science in Accountancy (BSA) at Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) Major in Marketing Management.

Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha, binigyang diin niya na mas mahalaga kaysa sa grado ang pagkakaroon ng magandang asal, pagiging magalang, responsable at palagi aniyang piliin ang tama sa mata ng Diyos at ng tao.

Hiniling din niya sa mga graduates na pagmalasakitan ang lungsod at lumago bilang mga disiplinadong Batangueno. Nagsilbing commencement speaker ang CEO ng RPS Migration Services na si Atty. Renante Sulit. Inilahad niya ang 3Ps na naging gabay niya sa buhay upang magtagumpay.

Ang Pananalig sa Diyos, Pasasalamat o ang paglingon sa mga taong nakatulong at ang pagkakaroon ng Pangarap.
Binigyang pugay din niya si dating Punonglungsod Eduardo Dimacuha na siyang nagtatag ng CLB at nagbigay ng pagkakataong makatapos sa pag-aaral ang mga kapuspalad subalit karapat-dapat na mga mamamayan ng lungsod.

Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat ang tinanghal na Outstanding Pre-Service Teacher of the Year at Cum Laude sa kursong BEED na si Princess Carag sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanila ng CLB at ng pamahalaang lungsod upang makapag-aral.

Payo niya sa mga kapwa nagsipagtapos na huwag magpaapekto sa mga negatibong sinasabi ng iba bagkus magsilbi aniya itong hamon upang magkaroon ng positibong resulta. Dumalo din ang mga magulang BSBA student na si Felix Mendoza ng barangay Haligue Kanluran na binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest noong June 13.

Bagamat hindi na umabot sa graduation ang kanilang anak, nagpapasalamat sila sa lokal na pamahalaan sa panahong ginugol nito sa CLB.
Ang paggawad ng certificates sa graduates ay ginampanan nina Mayor Beverley Dimacuha kasama sina Councilor Karlos Buted at CLB College Administrator Dr. Lorna Gappi.

Ang 17th Commencement Exercises ay may temang Transforming Vision Into Reality, Building Bright Futures. (PIO Batangas City)

#PalakatBatangasCity #PIOBatsCity #EtoBatangueñoDisiplinado #MagkatuwangTayo #EBDMAGKATUWANGTAYO