Local Development Plan and Investment Program for Children 2024-2028, i-endorso sa SP

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

I-eendorso sa Sangguniang Panlungsod (SP) upang pag-aralan at aprubahan ang City Development Plan and Investment Program for Children 2024-2028 matapos na ito ay ipresenta at sang-ayunan sa City Development Council (CDC) Full Council meeting noong July 30.

Nakapaloob sa Investment Program for Children na inilahad ni SP Committee on Women and Family Vice Chairperson Konsehal Andrea Macaraig ang mga priority programs na tutugon sa mga pangunahing suliranin at isyu ukol sa mga bata kagaya ng maternal care at food production.
Kabilang din dito ang mga programa na tutugon sa vision at mission ng lungsod para sa mga bata.

Hangad ng pamahalaang lungsod na lahat ng bata sa lungsod ay masaya, malusog, nakikilahok at nagtataguyod ng positibong kaugalian habang namumuhay sa isang ligtas, matatag at mapag-arugang kapaligiran pagdating ng taong 2028.

Titiyakin din ng lokal na pamahalaan na napapangalagaan ang karapatan at kaligtasan ng mga bata sa pamamagitan ng mga serbisyo, programa, aktibidad at mga ipatutupad na batas.

Si Kon. Macaraig ang kumatawan kay Committee Chairperson Konsehal Ched Atienza sa nasabing pagpupulong.

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo
#EBDmagkatuwangtayo