Supplemental AIP No.2 at AIP 2025, aprubado sa City Development Council meeting

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Aprubado na ang P 30B proposed Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2025 ng pamahalaang lungsod at ang P 159M Supplemental AIP No. 2 for CY 2024 sa idinaos na full City Development Council (CDC) meeting ngayong araw, July 30.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni CDC Chairperson Mayor Beverley Dimacuha.

Sa naturang pagtitipon, iprinesenta ni CDC-Secretariat Head at City Planning and Development Officer Gigi Godoy ang summary of expenditures per sector para sa mga nabanggit na AIP.

Nakasaad sa Supplemental AIP no. 2 ang mga karagdagang proyekto na kailangang maipagawa sa ilalim ng social at economic services sectors.
Kabilang sa social services ang disaster preparedness program ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) kagaya ng pagbili ng mga equipment at supplies para sa mga shelter facilities habang sa economic services naman nakapaloob ang infrastrasture development program na kinabibilangan ng pagpapagawa at improvement ng roofing system ng City Hall at Gusaling Kalikasan at Kapayapaan (GKK).

Ang tatlong sektor naman ang AIP 2025 ay ang general public services, social services at economic services.

Nakapaloob dito ang mga priority projects na tutugon sa kinakaharap na pagsubok ng lungsod dulot ng climate change.

Una rito ay pagtatayo rainwater harvesting facility na isasama sa mga disenyo ng school building at iba pang gusali para matugunan ang water shortage lalo na sa panahon ng El Niño, pagsasaayos ng drainage system sa poblacion at iba pang urbanizing barangays at pagpapagawa ng mga seawalls.
Kabilang din dito ang mga proposed construction ng multi-purpose buildings na may inclusion at naka-desenyo rin bilang evacuation centers, at mga programa para mapalakas ang solid waste management at environment protection.

Kaugnay nito, patuloy ang mga isinasagawang proyekto sa Tingga Labac Eco-Park katuwang ang pribadong sektor.

Magkakaroon din ng pagsasaayos at pagdadagdag ng mga public school buildings para matugunan ang tumataas na bilang ng mga mag-aaral at bilang paghahanda sa Regional Athletic Association Meet na nakatakdang ganapin sa Batangas City sa 2026.

Prayoridad din ang paglalaan ng budget para sa basic school supplies sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan at panukalang pagbili ng lupa para sa school expansion projects.

Kasama pa rin dito ang pagpapagawa ng apat na palapag na gusali ng City Health Office upang patuloy na makatugon sa itinakdang standard ng Department of Health (DOH) gayundin ang completion ng command center at mga functionalities nito sa pamamagitan ng pag-iinstala ng mga systems at programs.

Nakalahad din dito ang mahahalagang proyekto at programa ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang patuloy na maiiangat ang kalidad ng serbisyo publiko.

Ang inaprubahang AIP 2025 ay nakatakdang i-endorso sa Sangguniang Panlungsod.

Dumalo sa full council meeting ang mga miyembro ng CDC kabilang ang mga city at barangay officials, city government department heads at division chiefs, kinatawan ng civil society organizations (CSOs) at child representatives sa City Council for the Protection of Children na sina Mikaela Joy Magnaye at Nicolo Simon Balina.

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo
#EBDmagkatuwangtayo