Error
  • JFolder: :files: Path is not a folder. Path: /home/batangas/public_html/web/images/News/2024/August/2/b/

Climate Resilient Farmer Field School for Corn, inilunsad

 

Inilunsad ng City Agriculture Office (CAO) katuwang ang USAID ang Climate Resilient Farmer Field School para sa mga magmamais sa Batangas City, August 3.

Ayon kay City Agriculturist Flora Alvarez, ang naturang hakbang ay isinagawa upang makamit ang corn grain sufficiency at food security sa lungsod.
Hangad din ng kanilang tanggapan na mapataas pa ang produksyon ng mais upang matugunan ang pangangailangan para sa human consumption at animal feed.

Sa loob ng 18 linggo, tuturuan ang mga corn farmers ng makabagong kaalaman hinggil sa modernong teknolohiya at proseso sa pagtatanim ng mais.
Nakiisa at nagbigay ng mensahe ng suporta sina Department of Agriculture (DAR) Regional Field Office IV-A Center Director Rolando Maningas, ang Natural Climate Solutions Director ng Conservation International-Philippines na si Wilbur Dee, DAR-Regional Field Office IV-A OIC Regional Executive Director Fidel Libao at si Provincial Agriculturist Dr. Rodrigo Bautista.

Inaasahang magdudulot ng malaking kontribusyon sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura ang naturang farmer field school.
Ang paglulunsad ay dinaluhan ng may 30 magsasaka mula sa barangay Soro-Soro Karsada, Soro-Soro Ilaya at Soro-Soro Ibaba.

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo