Barangay Concepcion, nakiisa sa selebrasyon ng Linggo ng Kabataan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg a.jpg b.jpg

"LAKBAY" ang tema ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan sa barangay Concepcion noong August 6 hanggang August 11.

Ayon kay SK Chairperson Jhon Lester Mandigma, isang poster making contest ang kanilang isinagawa sa Natalia V. Ramos Memorial Integrated School na nagpakita ng malikhaing pananaw ng mga kalahaok sa isyung kinakaharap ng mga kabataan.

Nagdaos din sila ng open line-up volleyball - One Day League at open line-up Mobile Legends Tournament.

Nagkaroon din ng programa kung saan tinalakay ang paksang - Understanding and Managing Emotions as a Leader na pinangunahan ni SK Federation President, Marcus Manuel Castillo.

Tinalakay naman ni Solid North Cluster Head William Fillartos ang tungkol sa Gender and Development o GAD. Ilan pa sa mga aktibidad ng kanilang LNK ay ang Youth Leadership Camp, State of the Youth Address 2024, Battle of Colors at distribution ng school supplies.

Highlight ng pagdiriwang ang Gabi ng Parangal na ginanap sa MMDC Farm Resort.

Lubos ang pasasalamat ng SK officials ng naturang barangay kina Mayor Beverly Dimacuha at Congressman Marvey Marino, gayundin sa mga myembro ng Sangguniang Panglungsod, SK Federation at sa kanilang mga barangay officials na tumulong upang maging matagumpay ang kanilang pagdiriwang ng LNK.

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo
#EBDmagkatuwangtayo