TINGNI: Nagpasiklaban sa sayaw at awit ang mga mag-aaral sa elementary, highschool at college sa ibat-ibang paaralan sa Batangas City

  1.jpg 10.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Nagpasiklaban sa sayaw at awit ang mga mag-aaral sa elementary, highschool at college sa ibat-ibang paaralan sa Batangas City sa isinagawang Pasikatan sa Buwan ng Wika sa Batangas City Sports Coliseum noong August 29.
Layunin ng pamahalaang lungsod na sa pamamagitan ng naturang patimpalak ay maipakilala at mapalaganap ang mga katutubong awit at sayaw sa makabagong henerasyon.

Tinanghal na kampeon sa katutubong sayaw na Komintang sa Elementary level ang Sta Rita ES, Marian Learning Center and Science High School Inc. sa Jota Rizal sa Highschool level at ang Batangas State University (TNEU) naman sa sayaw na Polka Sa Nayon sa college level.
Ang naturang mga grupo ay tumanggap ng cash prize na P 50,000 at trophy.

Nanalo sa pag-awit ng mga awiting likhang Pilipino sa elementary level si Emilio Antonio Miguel De Castro ng Saint Bridget College (SBC), Samantha Audri Lascano ng University of Batangas (UB) sa highschool level at si Kimberly Baculo ng Batangas State University -TNEU sa college level.

Lahat sila ay nagkamit ng premyong P 10,000 at trophy.

Naging hurado sa patimpalak sa awit ang ilang mga myembro ng Philippine Madrigal Singers habang mga myembro naman ng Bayanihan Dance Company at Ramon Obusan Folkloric Group sa sayaw.

Ang Pasikatan sa Buwan ng Wika ay pinamahalaan ng Cultural Affairs Committee. (PIO Batangas City)