Error
  • JFolder: :files: Path is not a folder. Path: /home/batangas/public_html/web/images/News/2024/September/01/a/

Baysanang Barangay sa Barangay Pinamucan Ibaba, pinangasiwaan ni Mayor Beverley Dimacuha.

 

TINGNI: Sa layuning maipag-isang dibdib ang mga matagal nang nagsasama sa barangay Pinamucan Ibaba, nagsagawa ng proyektong mass wedding ang mga opisyales ng naturang lugar, September 10.


Ang Baysanang Barangay ay pinangasiwaan ni Mayor Beverley Dimacuha kung saan 14 na pareha ang nakinabang sa naturang proyekto.
Ang pinakamatandang pareha ay kapwa 45 taong gulang, ang pinakabata ay edad 26 at 23 habang 22 taon ang pinakamatagal na nagsasama.
Bunga nito, may 27 na bata naman ang malelegitimize o mabibigyan ng pangalan.


Naisakatuparan ang Baysanang Barangay sa tulong ng Civil Registrar’s Office (CRO) na syang gumabay sa mga pareha sa pag-aasikaso ng mga kailangang dokumento.


Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng mga bagong kasal sa kanilang barangay at sa pamahalaang lungsod dahil nabigyan ng katuparan ang matagal na nilang pangarap na maikasal.


#PalakatBatangasCity #PIOBatsCity #EtoBatangueñoDisiplinado #MagkatuwangTayo #EBDmagkatuwangtayo