Batangas City People’s Council rehistrado na sa Securities and Exchange Commission at sa Bureau of Internal Revenue.

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 6.jpg 8.jpg

TINGNI : Rehistrado na sa Securities and Exchange Commission (SEC) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Batangas City People’s Council (BCPC).

Ito ang ipinabatid ng Chairman ng BCPC na si Engr. Sammy Perez sa isinagawang regular na pagpupulong ng grupo noong September 6.

Sa pamamagitan aniya nito, isa nang ganap at lehitimong organisasyon ang BCPC sa ilalim ng pangangasiwa ng City Planning and Development Office (CPDO).

Tinalakay din sa naturang okasyon ang pakikipagtuwang ng BCPC sa mga paaralan upang magbigay ng training at seminar sa mga Civil Society Organizations (CSO) sa lungsod.

Hangad nila na higit na mapaunlad ang kapasidad ng mga CSO sa paghahatid ng serbisyo sa komunidad.
Hinihikayat din nila ang iba pang CSO sa lungsod na maging kasapi at magpa accredit sa kanila upang mas mapalawak ang mga programa at serbisyong maibibigay sa publiko.

Ang nasabing hakbang ay magbubukas ng mga oportunidad para sa mas magandang ugnayan sa mga CSO upang mas mabigyan ng boses ang iba't ibang sektor sa lungsod, lalot higit sa mga usaping may kinalaman sa kanilang mga pangangailangan at adbokasiya.

Kaugnay nito, magdaraos ng Civil Society Organization (CSO) Day sa darating na November 27 upang kilalanin at pararangalan ang mga natatanging CSO. (PIO Batangas City)
#PalakatBatangasCity #PIOBatsCity #EtoBatangueñoDisiplinado #MagkatuwangTayo #EBDmagkatuwangtayo