May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay programa ng pamahalaang nasyunal na ipinatutupad ng Department of Social Welfare & Development (DSWD)na naglalayong tulungan ang mga pamilyang higit na nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash grant.
Ang isang miyembro ay kailangan nang umalis sa programa kung wala nang anak na 0-18 taong gulang at may maayos nang pamumuhay kung kaya’t hindi na kailangan pa ng suporta mula sa 4Ps.

Ang mga nagsipagtapos ay bahagi ng implementasyon ng Kilos Unlad Framework o gabay upang mapabuti ang pamumuhay ng mga benepisyaryo sa loob ng pitong taon.

Tampok sa graduation ceremony ang testimonya ng dalawang benepisyaryo na nakapagpatapos na ng mga anak sa kolehiyo at ngayon ay may maganda nang trabaho.

Sila ay sina Mercy Caaway ng Barangay Alangilan at Belinda Borilo ng Tingga Labac.

Kaugnay nito, nangako ang lokal na pamahalaan sa patuloy na suporta sa pamamagitan ng mga programa at iba pang sustainable interventions na ipinatutupad naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). (PIO Batangas City)