State of Calamity ideneklara sa Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Idineklara ng Sangguniang Panglungsod ang Batangas City sa ilalim ng state of calamity sa rekomendasyon ni Mayor Beverley Dimacuha bunga ng pinsalang dulot ng bagyong Kristine sa lungsod.

Ang deklarasyon ay naganap sa special session nito noong October 25.

Ayon sa ulat ng Office of the City Disaster Risk Reduction and Management, may 729 pamilya ang nasalanta, 2485 indibidwal ang inilikas, nagkaroon ng power outage sa 85 barangay kung saan 743 kabahayan at 3155 residente ang naapektuhan.

Tinatayang nasa P 96,300,000 halaga ng mga kalsada at imprastraktura ang nasira, P 2,310,000 halaga ng mga bangkang hinagupit ng bagyo at P 27,072,275 naman sa farm crops at livestock ang lubhang napinsala.

Sa ilalim ng state of calamity, madaling maipapagawa ang mga nasirang imprastraktura at naapektuhan sa sektor ng agrikultura.

Nakasaad sa Resolution No. 22-615 S 2024 ng konseho: “… there is a need to declare Batangas City to be under a state of calamity to enable the city government to respond more aggressively and effectively to the relief and recovery of its constituents, maximize the utilization of its resources and avail of possible assistance from other agencies of the government. ”.

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo
#EBDmagkatuwangtayo