P3.6B proposed budget ng Batangas City para sa 2025, inaprubahan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ang proposed annual budget ng pamahalaang lungsod para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng P3,602,139,322.00, October 28.

Ang naturang badyet ay nakalaan sa mga priority projects kaugnay sa 8-point agenda ng lokal na pamahalaan.

Ito ay ang Good Governance, Enhanced Social Security and Stability, Expanded Economic Opportunities and Productivity, Integrated Housing Program, Infrastructure Development Acceleration, Enhanced Climate Change Adaptation/Mitigation and Disaster Risk Management, Enhanced Environmental Management and Protection, at E-Governance City.

May pinakamalaking budget ang City Mayor’s Office (CMO) na nagkakahalaga ng P535,779,658.39 na nakalaan para sa Personnel Services, Maintenance and Other Operating Expenses, Capital Outlay at Financial Expenses.

Ang ikalawang may pinakamataas na budget ay ang City Health Office (CHO) – P233,818,193 sinundan ng General Services Department (GSD) – P139,221,185, Office of the Sangguniang Panglungsod - P137,061,628 at City Engineer’s Office (CEO)- P125,713,133.
Mayroon ding Special Purpose Lump-sum Appropriation na may kabuuang budget na P763,377,857.61

Ibinahagi rin ng mga miyembro ng Local Finance Committee (LFC) ang Expenditure Program kung saan pinakamalaking bahagi ng pondo (43%) ay mapupunta sa Social Services. Nakapaloob dito ang social protection, education at health care ng lungsod

Sinundan ito ng General Public Service (40%) na nakalaan sa pagpapalakas ng law enforcement and security at masiguro ang effectiveness ng mga government operations.

Ang Economic Services (17%) naman ay nakalaan sa pagpapalakas ng employment sa pamamagitan ng pagpapabuti ng social, public and digital infrastructure.

Bukod sa mga myembro ng finance committee, dumalo rin sa sesyon ang iba’t-ibang department heads ng pamahalaang lungsod. (PIO Batangas City)