Talumpok IS, humakot ng awards sa film competition

  1.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Humakot ng awards ang Talumpok Integrated School (TIS) sa short film competition na isinagawa noong November 8.
Ang naturang kompetisyon ay advocacy project ng Batangas City Public Information Office ( PIO) bilang pagdiriwang ng National Children's Month ngayong Nobyembre.

Layunin nito na maiangat ang kaalaman at kamalayan ng lahat hinggil sa mga karapatan at pangangalaga sa kapakanan ng mga bata.

Hangad din ng nasabing gawain na isinagawa sa unang pagkakataon na malaman ang sitwasyon at karaniwang suliraning kinakaharap ng mga bata upang makapag buo ng plano, polisiya at proyekto ang City Council for the Protection of Children (CCPC) para matugunan ang mga ito.
Apat na major awards ang napanalunan ng pelikula ng TIS na may titulong "Dapat Ganito, Bata Pa Ako".

Kabilang dito ang Best Short Film, Best Actor si Hubert Andrei Mendoza, Best Director si Mark Gian Baes, Best Cinematography at dalawang special awards kabilang ang best script at best editing.

Nanalo naman bilang best actress si Paula Gigeth Cobbarubia ng pelikulang "Biday" ng STI College.
Nakuha ng pelikulang "Lampara" ng Alangilan Integrated School ang Best Poster at People's Choice award.

Naging mga hurado ang student leader at child representative ng CCPC na si Mikaela Joy Magnaye, film maker na si Victory Emanuelle Lualhati at Planning Officer IV ng City Planning and Development Office at child advocate na si EnP Agnes Panaligan.

Dumalo sa awarding ceremony bilang kinatawan ni CCPC Chairperson Mayor Beverley Dimacuha si Vice Chairperson Councilor Momshie Ched Atienza.
Binigyang diin niya na tinutukan ng CCPC ang pagbibigay ng proteksyon sa mga bata kung kaya't makakaasa ang mga ito na may nakalaang programa para sa kanilang sektor ang lokal na pamahalaan.

"