Magkasabay na nagsagawa ng 4th quarterly meeting ang City Council for the Protection of Children at Gender And Development Focal Point System ngayong araw , December 3.

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Magkasabay na nagsagawa ng 4th quarterly meeting ang City Council for the Protection of Children (CCPC) at Gender And Development (GAD) Focal Point System (GFPS) ngayong araw , December 3.

Ito ay dinaluhan ng mga city government department heads na miyembro ng mga nabanggit na konseho at mga kinatawan mula sa pribadong sektor.
Nagsagawa ng pag-uulat ang ilang miyembro ng council hinggil sa kanilang accomplishments at status ng implementasyon ng kanilang mga programs, projects and activities (PPAs).

Kabilang dito ang mga natapos na mga proyekto at gawain ng Sangguniang Kabataan (SK) ukol sa pangangalaga at proteksyon ng mga bata, kagaya ng film competition, mental health awareness seminar at iba pa.

Ipinaalam rin sa nasabing pagtitipon ang estado ng Updating Ordinance No. 10 S. 2019 o ang Child and Welfare Code of 2019 at ang Updating Ordinance No. 12 S. 2016: An Ordinance Providing for a Comprehensive Anti-Discrimination Policy on the Basis of Sexual Orientation Gender Identity and Expression na kapwa nasa ilalim ng Sangguniang Panlungsod Committee on Children, Women and Family na pinamumunuan ni Chairperson, Konsehal Ched Atienza.
Magkakaroon ng mga karagdagang chapters, sections, at legal basis ang naturang mga ordinansa para higit na mapangalagaan ang kapakanan ng mga bata at maisulong ang isang inklusibong komunidad na may pantay-pantay na oportunidad ang lahat ng sektor.

Sa kasalukuyan, patuloy ang research at drafting process ng mga ordinansa kung saan inaasahang sa 1st quarter ng susunod na taon ay maisasagawa ang public consultation bago ang final draft ng ordinansa.

Hiniling ng konseho ang suporta ng mga miyembro upang higit na mapalawak ang impormasyon ukol sa Mahalin at Kalingain Ang Mga Bata (MAKABATA) Helpline 1383, na maaaring tawagan para mai-report ang lahat ng uri ng pag-aabuso sa mga bata,
Iprenesenta rin sa pagpupulong ang LGU 4 Equality Award na tinanggap ng pamahalaang lungsod para sa pagsusulong ng gender-transformative at feminist governance.(PIO Batangas City)

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo