Annual monitoring inspection isinagawa ng mga kinatawan g Anti-Red Tape Authority (ARTA) Southern Luzon Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

TINGNI: Nagsagawa ng annual monitoring inspection ang mga kinatawan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) Southern Luzon sa Batangas City government ngayong araw, January 15.

Partikular na binisita ng grupo ang Integrated Business One-Stop-Shop (BOSS) sa 4th Floor ng Bay CitiMall upang matiyak na patuloy nitong naiipatupad ang electronic o eBOSS.

Ayon kay ARTA Supervising Administrative Officer Andrea Mikhaela, malaki ang kaalwanang naiibigay ng eBOSS sa mga negosyante gaya ng online business application at renewal, dahil mabilis at accessible ang business registration process na maaring gawin anumang oras at kahit nasa malayong lugar ang mga aplikante.

Nagbibigay din ito ng friendly business environment na nagdudulot ng pagtaas ng revenue ng pamahalaang lokal.
Natutuwa aniya siya na nananatiling compliant ang Batangas City sa ease of doing business, at sa hangarin nitong makapagbigay ng de kalidad na serbisyo sa mga mamamayan.

Magugunita na ang Batangas City ang kauna-unahang lungsod sa Southern Luzon region na ginawaran ng commendation para sa eBOSS implementation, noong July, 2023.

Nanatili pa ring compliant ang lungsod sa ARTA’s overall Client Satisfaction Measurement (CSM) para sa 2023 ayon sa evaluation at CSM report, kung saan nakuha nito ang 98.72% o outstanding rating sa overall Service Quality Dimension (SQD 1-8). (PIO Batangas City)