Blanco, wagi bilang Bb. Lungsod ng Batangas 2025

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Kinoronahan bilang Bb. Lungsod ng Batangas 2025 si Roxanne Pearl Blanco ng barangay Malitam sa ika-34 taong pagtatanghal ng prestihiyosong beauty contest noong January 13 sa Batangas City Sports Coliseum.

Siya ay pinutungan ng korona ni Bb Lungsod ng Batangas 2024 na si Geraldine Buenafe.
Iginawad naman nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino kay Blanco ang premyong P 100,000 (dummy check), bouquet, sash at trophy.

Ayon sa nagwaging beauty queen, sa kabila ng modernisasyon, hindi aniya nakikita ang pangangailangan na palitan ang lyrics ng Batangas Lungsod Kong Mahal hymn dahil sinasalamin aniya ng naturang awitin ang tunay na karakter at katangian ng mga Batangueno.
Nanalong 1st runner- up si Annika Thea Faustino ng barangay Soro Soro Ibaba. Siya din ang nagwaging Best in Swimsuit.

Nakamit naman ni Carla Lorraine Len Delas Alas ng barangay San Isidro ang karangalan bilang 2nd runner up, 3rd runner ang nakuhang pwesto ni Ma. Sophia Torino ng barangay Sampaga na siya ring nagkamit ng Best in Long Gown at Best in Production Number at ang kinatawan ng barangay Bolbok na si Jfril Maezen Anonuevo ang tinanghal na 4th runner up.

Nagwaging Ms Photogenic si Niña Krisel Ramirez ng barangay Libjo habang Ms Friendship naman si Jezered Cadag ng barangay San Isidro Labac.
Ang International Fashion Designer na si Louie Pangilinan ang tumayong Chairman ng Board of Judges.
Naging guest performer si Daryl Ong habang kilig naman ang hatid ng love team nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Lubos na hinangaan ang performance na hatid ng Led Tron, Amazing Dinos Splendid _Acrobat at alumna ng Philippine Madrigal Singers na si Bianca Lopez at award winning violinist na si Joseph Brian Cimafranca gayundin ng Batanguenong Viva artist na si CJ Villavicencio.

Itinampok din dito ang mga local talents ng lungsod kagaya ng grupong Likhang Sining Dance Company at Indak Yaman Dance Varsity.
Nagsilbing front act ang MUV habang gumanap naman bilang mga hosts sina Ms Philippines Earth 2013 Angelee Delos Reyes at Mr Tourism International 2022 Kit Cortez.

Tema ng Bb Lungsod ng Batangas 2025 ngayong taon ay Outstanding Batangueno Representation of Arts (OBRA) na pagpapakita ng makulay at mayamang kultura ng lungsod. (